Mayor Belmonte, muling pinakiusapan ang rice retailers na sundin ang E0 39 ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nakiusap si Mayor Joy Belmonte sa micro rice retailers na suportahan ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bagama’t batid niyang nahihirapan ang ilang magtitinda ng bigas, nangako siyang magbibigay din ng tulong ang lokal na pamahalaan para hindi lang matigil ang kanilang operasyon sa pagnenegosyo.

Sa panig ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagpasalamat din ito sa mga rice retailer na nakiisa sa kautusan ng Pangulo.

Sinabi niyang nauunawaan ng Pangulo ang kalagayan at pinagdaanan ng mga maliliit na negosyante kaya’t ipinag-utos nitong mabigyan sila ng tulong.

Nagpasalamat din ang kalihim sa QC LGU, DTI, at DA dahil nagsama-sama at nagsumikap sila para matulungan ang mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us