Nais ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay na taasan ang halaga ng “medical expense allowance” ng mga senior citizen na Persons Deprived of Liberty o PDL.
Sa kanyang House Resolution 1230, pinadodoble ng mambabatas ang naturang allowance mula P15 para maging P30 kada araw.
Aniya, masyadong maliit ang kasalukuyang P15 na arawang medical allowance ng mga PDL.
Punto pa nito na bagamat, nakapiit ay tao pa rin ang mga lolo at lola na PDL maliban pa sa karamihan ay walang pagkukunan ng panggamot at minsan ay nakalimutan na rin ng kani-kanilang pamilya.
Mayroon pa rin naman aniya silang “right to health” at karapatan na mabigyan ng makataong pagtrato lalo na aniya ang mga may iniindang malubha o permanenteng sakit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes