Mega Job Fair, muling isasagawa sa Caloocan City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nag-organisa ang Caloocan City Local Government ng Mega Job Fair ngayong araw, September 15.

Hinikayat ni Caloocan City Mayor Dale Malapitan ang mga jobseeker na maghanda na ng madaming resume at dumalo sa job fair na gaganapin sa ika-limang palapag ng SM Grand Central, Caloocan City – South, simula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Ito ay pangungunahan ng Caloocan Public Employment Service Office.

Ayon sa alkalde, bahagi pa rin ito ng kanilang layuning patuloy na mailapit ang mga trabaho at oportunidad sa mga mamamayan.

Bukod sa resume, pinapayuhan ang mga aplikanteng magbitbit na rin ng valid ID at vaccination card. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us