Menor de edad na nawawala sa Valderrama, Antique, natagpuang wala nang buhay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bangkay na ng makita sa bayan ng Pandan, Antique ang ‘missing person’ na menor de edad na babae  na nawala noong August 26, 2023 sa Valderrama, Antique sa kasagsagan ng pag-ulan dala ng habagat na pinalakas ng Bagyo Goring.

Nakita noong August 31 ang biktima na wala ng buhay at kinumpirma ito ng ina na ang nakitang bangkay ay kanyang anak na nasa edad 9 taong gulang.

Hinihintay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council VI ang pag-submit ng death certificate mula sa LGU Valderrama upang ma-validate ang report na may casualty sa Region VI dahil sa bagyo.

Ang nasabing bata ay isa sa dalawa na nawala sa Kanlurang Visayas dahil sa bagyo.

Ang isa pang missing person ay mula sa bayan ng San Joaquin, Iloilo na patuloy ang search and retrieval operations ng municipal DRRMC. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo  

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us