MERALCO, nagsagawa ng operasyon kontra sa mga nakalaylay na kable at iligal na koneksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ngayong araw ng Anti-Dangling and Illegal Wire Attachments ang Manila Electric Company (MERALCO) partikular na sa kalye JB Miguel sa Brgy. Bambang, Pasig City.

Bahagi ito ng corporate social responsibility ng MERALCO, para maiwasan ang anumang kapahamakang naghihintay gaya ng sunog at pagbagsak ng mga poste dulot ng mga nakalaylay na kable, partikular na mula sa Telecommunication Company o TelCo.

Ayon kay MERALCO Spokesperson at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, noong tumama kasi ang COVID-19 pandemic, maraming sinamantala ang sitwasyon sa pagpapakabit ng mga internet cable.

Dahilan upang magkaroon ng overloading sa mga poste na siyang malinaw na posibleng pagmulan ng aksidente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us