Metro Manila Councilors, pinakiusapan ng DILG na asistihan ang mga rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiningi na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tulong ng Metro Manila Councilors para sa mga Micro Rice Retailers na apektado ng mandated price ceiling sa bigas.

Sa ginanap na ika-35 taong anibersaryo ng Metro Manila Councilors League (MMCL), hinimok ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga councilor na magpasa ng ordinansa na magbibigay ng subsidiya sa mga rice retailer.

Halimbawa dito ang pansamantalang pagsususpinde ng pangongolekta ng mga stall fee sa pamilihan o pagbibigay ng mga diskwento na maaaring magpagaan sa epekto ng pagpapatupad ng rice price ceiling.

Ang Mandaluyong City ay isa sa mga unang local government units na nagpasa ng ordinansa para suspindihin ang assessment at pangongolekta ng market stall fees mula sa mga rice retailer.

Nauna rito, pinahintulutan ng Pangulo ang pamamahagi ng payout na Php5,000 hanggang Php15,000 sa mga hindi rehistradong micro rice retailers at sari-sari store owners.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us