Hinihingian ni Senador Chiz Escudero ang mga ahensya ng gobyerno na humihiling ng Confidential at Intelligence Fund (CIF) na magsumite ng kanilang physical at financial plan sa paggamit ng CIF.
Dapat aniya itong gawin nang hindi lumalabag sa confidential nature ng naturang mga pondo.
Ayon kay escudero, ang pagsusumite sa Kongreso ng disbursement plans ay makakapagbigay linaw kung paanong gagastusin ang mga hinihiling na pondo.
Matitiyak rin aniya nito sa publiko na kahit pa confidential ang naturang mga pondo ay hindi naman ito pwedeng gamitin ng mga opisyal ng gobyerno sa kahit ano lang na gusto nila.
Binigyang diin ng senador na may mga rules kung saan pwedng gamitin ang mga CIF.
Ang mga CIF ay hindi pwedeng gamitin sa pagbabayad ng mga sweldo, overtime pay, dagdag kompensasyon, allowance at iba pang benepisyo ng mga opisyal at mga empleyado.
Bawal rin itong gamitin sa representation/entertainment expenses, consultancy fees at construction o pagbili ng mga gusali o housing structures.| ulat ni Nimfa Asuncion