Mga grupo ng rice retailer, magpupulong kaugnay sa EO 41 ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng mga rice retailer ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na pagpapatigil sa iba’t ibang bayarin sa pagbiyahe ng mga agricultural product.

Ito ay matapos na pirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 41.

Ayon sa grupong GRECON at PRISM, ang taumbayan din ang lubos na makikinabang dahil magreresulta ito sa pagbaba ng ilang bilihin gaya sa mga probinsya.

Malaking tulong aniya ito sa mga nagdadala ng produkto gaya ng bigas, gulay, at iba pa.

Kaugnay nito ay magpupulong ang GRECON, PRISM, at iba pang rice retailer upang talakayin kung magkano ang dapat ibaba ng kanilang mga produkto.

Batay sa EO 41, binibigyang direktiba ang lahat ng lokal na pamahalaan na ipatigil ang mga sinisingil gaya ng pass through fee. | ulat ni Diane Lear

📷: Official Gazette

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us