Mga guro sa Pangasinan na may kaanak na tatakbo sa BSKE 2023, ililipat ng barangay na pagsisilbihan sa darating na halalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ilipat sa ibang pagsisilbihang barangay ang mga gurong magsisilbing Electoral Board na may kaanak na tatakbo sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 (BSKE).

Sa naging panayam kay Atty. Marino Salas, COMELEC Pangasinan Election Supervisor, ang ganitong pamamaraan ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng conflict of interest.

Nilinaw ni Salas na ang mga gurong may mga kaanak na tatakbo sa halalan ay hindi tuluyang aalisin bilang electoral board bagkos ililipat lamang ng barangay na pagsisilbihan.

Batay sa datos ng COMELEC, 23000 mga guro na magsisilbing Electoral board ang kinakaykangan ng tanggapan para sa darating na halalang pangbarangay.

Samantala, patuloy naman umano ang pagsasanay ng tanggapan ng COMELEC sa mga magsisilbing Electoral Board sa halalan. Tatagal ang pagsasanay na ito hanggang sa ikalawang linggo ng Oktobre.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us