Humigit-kumulang 980 kilo ng imported indian buffalo meat ang nasamsam ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service-National Capital Region (NMIS-NCR).
Ayon kay Vener Santos, head ng NMIS-NCR Enforcement Unit, nadiskubre ang imported meat products kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Project 6, Brgy. Vasra, Quezon City.
Sinabi ni Santos, ang commodities na nakapaloob sa original packaging nito ay tinatayang nagkakahalaga ng Php 230,300.
Ang operasyon ng NMIS-NCR ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa illegal trading ng imported buffalo meat.
Ang pag-angkat umano ng ganitong meat products ay mahigpit na ipinagbabawal at may katapat na kaparusahan alinsunod sa umiiral na batas.| ulat ni Rey Ferrer