Mga kabataan, tututukan sa media information literacy campaign ng PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Senate Subcommittee on Finance ang panukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) para sa susunod na taon.

Sa naging pagdinig na pinamunuan ni Senate Committee on Finance Vice Chairperson Senador JV Ejercito, muling binigyang diin ni PCO Secretary Cheloy Garafil, na ang pagsugpo sa fake news ay isa sa mga prayoridad ng ahensya.

Katunayan, gumawa na ang ahensya ng specific program para sa dito – ang Media Information Literacy Campaign.

Nagkaroon rin ng survey ang ahensya, kung saan lumalabas na 9 sa bawat 10 Pilipino ang vulnerable sa fake news.

Base rin sa pag-aaral, ay ang mga kabataan ang pinaka vulnerable o apektado ng maling impormasyon.

Kaugnay nito, makikipagtulungan na ang PCO sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para ma-empower ang mga kabataan kontra fake news.

Layon ng PCO sa programang ito, na matulungan ang mga kabataan na sila na mismo ang makatukoy kung ano ang fake news o hindi.

Idinagdag rin ni Garafil, na mayroon na silang partnership sa top social media platforms, gaya ng X (Twitter), Facebook, Tiktok at Google.

Isinusulong aniya ng ahensya ang mas positive collaboration sa mga social media platform na ito kaysa sa pagba-ban ng mga ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us