Mga kawani ng gobyerno, may libreng sakay sa MRT-3 sa Sep. 18-20

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok na tatlong araw na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng pamahalaan simula sa Lunes, September 18.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang naturang libreng sakay ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang tungkulin.

Ayon sa pamunuan ng tren, maaaring ma-avail ang free ride sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 simula sa Lunes, September 18, hanggang Miyerkules, September 20.

Kailangan lamang ipakita ang valid government ID sa security personnel ng mga istasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us