Binati ng pamilya Marcos at mga tauhan sa Office of the President si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ika-66 na kaarawan ngayong araw.
Sa official Facebook page, ibinida ni First Lady Liza Araneta – Marcos, ang larawan nila ng Pangulo, kalakip ang mga salitang “Wishing my soulmate a very happy 66th birthday.”
Ipinagdiwang ng Pangulo ang kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng tree planting, feeding, medical and dental mission na inorganisa ng “LAB For All – Lingap at Alagang Bayanihan” sa iba’t ibang lugat sa bansa. Pinangunahan ito ng Unang Ginang.
“LAB For All conducted tree planting activities in 45 locations with over 25,000 seedlings planted by volunteers and partners from the One Movement Inc. and different local government units (LGUs).” —PCO.
Sinabi naman ni Representative Sandro Marcos na batid niya kung gaano kabigat ang mga problema ng bansa na nakaatang sa balikat ng kaniyang ama.
Mananatili aniya silang nakasuporta dito, maging sa mga reporma at mga plano nito para sa bansa.
“Happy happy birthday pop! I know and have seen how having the weight of the country on your shoulders has proven to be extremely stressful, but I will always be of the belief that I can’t think of anyone better than you to handle the problems we face. Please know we will always be here for you and continue to support the reforms and plans you have for our country. It will always be a privilege to be able to call you my dad. Love you pop! Have a great one.” —Rep. Sandro.
Samantala, maging ang mga kasamahan o mga kawani sa Office of the President ay nagpaabot ng kanilang pagbati sa birthday ng Pangulo.
Nagpapasalamat sila sa ipinakikita nitong pamumuno at hangad nila ang kaligayahan, mabuting kalusugan, at tagumpay sa lahat ng kaniyang mga ginagawa habang patuloy anila nitong ginagabayan ang Pilipinas tungo sa mas maginhawang kinabukasan.
“The employees of the Office of the President extends its most heartfelt wishes to President Ferdinand R. Marcos Jr. on this day, September 13, 2023. We thank you for your leadership and wish you joy, health, and success in all your endeavors as you continue to guide the Philippines toward a more prosperous future. Happy birthday, PBBM!” —OP Employees. | ulat ni Racquel Bayan