Mga labi ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, ibuburol sa Queen of Angels Chapel sa Riverbanks, Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang dalhin ang mga labi ni dating Marikina City Mayor at dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando sa Queen of Angels Chapel sa Riverbanks, Marikina City ngayong gabi.

Kaugnay nito ay maglalabas pa lang karagdagang impormasyon ang pamilya Fernando kung kailan ito bubuksan sa publiko.

Sa opisyal na pahayag ng maybahay ni Fernando na si Marides Fernando, humingi ito ng panalangin matapos ang hindi inaasahang pagpanaw ng dating alkade.

Maalala umano si Fernando na “man of vision, political will, at man of action” bilang isang lingkod bayan.

Sobra rin aniya nilang mami-miss si Fernando bilang isang mapagmahal na asawa, tatay, at lolo.

Pumanaw si Fernando ngayong araw dahil sa aksidente matapos na mahulog sa bubong ng kanilang bahay. Siya ay 77 taong gulang. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us