Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, umabot na sa 9

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa siyam ang mga lugar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang siyam na lugar ay pawang nasa sa Western Visayas.

Ito ang bayan ng Leganes, Pototan at Oton sa Iloilo; bayan ng Sibalom, San Remigio, at Hamtic sa Antique; at bayan ng Bago, Bacolod at San Enrique sa Negros Occidental.

Dahil sa deklarasyon, maari nang magamit ng mga naturang lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund para magbigay ng tulong sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Samantala, umakyat na sa lagpas 239,000 pamilya o mahigit sa 907,000 indibidwal ang naapektuhan ng nakalipas na sama ng panahon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us