Mga mag-aaral at guro, positibo ang pagtanggap sa MATATAG curriculum sa unang araw ng pilot-run nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Education o DepEd na naging positibo ang pagtanggap ng mga estudyante at guro sa pilot run ng MATATAG K to 10 Curriculum.

Ayon kay DepEd Spokesperson, Usec. Michael Poa, iniulat sa kanila ng mga kalahok na rehiyon na napaghandaang maigi ng mga guro ang pilot-run dahil sa mga inihandang pagsasanay para sa bagong curriculum.

Sinabi naman ni Poa na magkakaroon ng period of adjustment para sa MATATAG K to 10 Curriculum kung saan, kasama rito ay ang pagsasagawa ng class program para sa ibang paaralan hinggil sa oras na ilalaan sa pagtuturo.

Layunin nito na matuloy ang mga aspeto na kailangan pang pagbutihin bilang paghahanda para sa MATATAG nationwide phased – implementation sa School Year 2024-2025.

Nabatid na 35 paaralan sa buong bansa ang kalahok sa naturang pilot-run, na personal na pinangasiwaan ng mga opisyal ng DepEd kung saan, sa ilalim ng programa ay babawasan ang learning areas at sa halip ay tututok ito sa mga foundational skill. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us