Mga magsasaka ng sibuyas, ‘umiiyak’ dahil sa walang bumibili ng locally produced red onions

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdaing ngayon ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas dahil wala nang gustong bumili ng kanilang ani.

Ito ang sinabi ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara kasabay ng kanyang apela sa Bureau of Plant Industry (BPI) na tigilan na ang pagbibigay ng import permit para sa sibuyas.

Aniya, dahil mas mura ang imported na sibuyas na may landed cost na ₱35 kada kilo, mas pinipili ito kaysa sa local red onions na ₱65 hanggang ₱70 kada kilo ang farm gate price sa bansa.

“Sapat pa ang ating stock ng locally produced onions samantalang nag-import na ang ating… pumayag na mag-import ang ating gobyerno… Ngayon ang iyak nila walang gustong bumili at kung bibilhin ₱70 (kada kilo) eh sobrang palugi naman po yun. Nakakalungkot po itong nangyayari ngayon sa sibuyas,” ayon kay Vergara.

Ang presyo umano ng imported na sibuyas ay nasa ₱120 lamang kada kilo kapag itininda sa mga lokal na palengke.

Nanawagan din si Vergara sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang produkto kahit para na lamang mabawi ang kanilang puhunan.

“Kahit ₱110-₱120 ibebenta na ng mga magsasaka para mabawi yung puhunan na ₱100 dapat yan ibenta sa merkado ng ₱140-₱130. Para panalo po lahat, panalo ang magsasaka, panalo rin ang consumer, at tinutulungan natin ang self sufficiency at food security ng ating bansa sa onions,” sabi pa ng kongresista.

Nagpahayag din ng pangamba si Vergara na baka mangyari sa sibuyas ang nangyari sa bawang kung saan mula sa pagiging self-sufficient ay naging import dependent na tayo.

“Pag hindi kumita ngayon (ang mga magsasaka), hindi na magtatanim sa susunod na taon magiging import dependent po tayo,” dagdag pa ni Vergara. Parang nangyari sa bawang dati po we’re self-sufficient, ngayon po we keep importing from China,” dagdag ni Vergara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us