Mga mambabatas, nais taasan ang pondo para sa MAIP program ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang kongresista ang naghayag ng suporta para taasan ang pondo ng Medical Assistance to Indigent Patients o MAIP program ng DOH.

Sa budget briefing ng DOH, isa lang si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa mga mambabatas na humirit ng dagdag pondo para sa MAIP.

Aniya, napakalaking tulong ng naturang programa para sa kanilang mga constituent na nangangailangan ng tulong medikal.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, humingi sila ng P42 bilyon para sa MAIP, ngunit P22 bilyon lang ang naipasok sa 2024 National Expenditure Program.

Natanong naman ni Bulacan Rep. Salvador Pleyto sa kalihim, kung maaari rin bang magamit ang MAIP para maipambili ng assistive devices gaya ng wheelchair, tungkod at hearing aid pati na ang mga maintenance medicine.

Marami aniya sa mga nakakabenepisyo sa naturang programa ay mga senior citizen at PWD na kadalasan, ay ang naturang mga kagamitan ang hinihiling na tulong.

Nangako naman si Herbosa na bubuo sila ng programa para sa pamamahagi ng assistive devices gaya ng hiling ni Pleyto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us