Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang business sidelines sa 10th Asia Summit ang mga manggagawang Pinoy.
Sa roundtable meeting kasama ang business leaders ay dito ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo ang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang trabaho na aniya’y nagpapakita kung gaano ka- talentado ang mga Pilipino kabilang na ang mga nasa kategoryang ‘skilled workers’.
Pati na ang mga Pilipinong nahahanay sa tinatawag na ‘professional workforce’ ay ibinida rin ng Presidente.
Kagaya na lamang aniya sa Singapore, sabi ng Pangulo ay batid niyang maraming mga Pinoy ang nasa linya at kabilang sa financial sector na tagumpay na din sa kanilang karera sa nabanggit na bansa.
Ang pagmamalaki sa mga trabahanteng Pilipino ay ginawa ng Pangulo sa harap ng patuloy nitong paghikayat sa mga business leader sa Singapore na mamuhunan sa bansa bilang bahagi ng kanyang working visit.
Inilatag din ng Presidente ang 8-point socioeconomic agenda ng kanyang administrasyon na naglalayong mapatatag ang steady economic recovery at high growth trajectory ng Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO