Mga nagawa ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa pagkamit ng financial inclusion sa bansa, kinilala sa 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) Global Policy Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli M. Remolona ang mga kontribusyon ni Secretary Benjamjn Diokno, bilang dating Governor ng BSP, sa pagsusulong ng financial inclusion sa bansa.

Sa pagbubukas ng 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) Global Policy Forum sinabi ng BSP chief malaki ang tulong ni Diokno sa paglalatag ng matibay na pundasyon.

Aniya sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang chairman ng NSFI Steering Committee, inilabas ang Presidential Memorandum Circular na nagsasaad ng suporta ng buong gobyerno para sa implementasyon ng National Strategy for Financial Inclusion 2022-2028.

Ang GPF ay pagtitipon central banks, ministries of finance, financial regulators, standard-setting bodies, international organizations, financial service providers, technology companies, mobile network operators.

Ngayong taon, ang GPF ay isinagawa upang itaas na antas na talakayan at pagpapalitan ng karanasan para sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng mga pambansang estratehiya at patakaran sa financial inclusion. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us