Mga nasimulan ng yumaong DMW Sec. Ople, ipagpapatuloy ng bagong OIC ng kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang bagong talagang Officer-In-Charge ng Department of Migrant Workers o DMW na si Usec. Hans Leo Cacdac na kaniyang ipagpapatuloy ang mga simulain ng yumaong Kalihim ng kagawaran na si Sec. Susan “Toots” Ople.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cacdac na kaniyang tinatanggap ang tungkuling ini-atang sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangasiwaan ang naiwang kagawaran ng isang magaling na Kalihim.

Bagaman aminado si Cacdac na ipinagluluksa pa rin nila ang pagyao ni Sec. Toots subalit marami pa rin ang kailangang gawin at hindi dapat mabalam ang kanilang pagseserbisyo sa mga Overseas Filipino Worker o OFW.

Ito ang dahilan ayon kay Cacdac kaya’t kaniyang ipaglalaban ang panukalang pondo ng kagawaran para sa susunod na taon na siyang gagamitin nila upang maipagpatuloy ang mga programang nakalatag sa pagbibigay kalinga sa mga bagong bayani ng bayan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us