Mga oil company, planong pulungin sa Kamara bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinakasa ni Speaker Martin Romualdez na ipatawag at pulungin ang mga kinatawan ng oil company sa bansa, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na siyam na linggo.

Ayon kay Romualdez, batid ng pamahalaan ang sentimyento ng publiko lalo at ang oil price hike ay magreresulta sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.

“The government is not insensitive to the sentiments of our people, especially since this carries a domino effect on all products in the market. We all know that once the prices of oil rise, everything else shoots up – except the wages and salaries of our workers.” ani Romualdez

Tinukoy ng House leader, na ang mataas na presyo ng kada bariles ng langis sa world market ang nagdidikta sa halaga ng bentahan sa domestic supply maliban pa sa Oil Deregulation Law kung saan natali naman ang kamay ng gobyerno.

Ngunit ang binibenta namang langis sa local market ay lumang stocks na nabili sa mas murang halaga.

“It is common knowledge that oil companies still sell supplies bought at lower prices before the costs of crude oil in the world market increased. Baka pwede nating mapakiusapan sila na ‘wag na munang magtaas ng presyo,” dagdag ng House leader.

Umaasa si Romualdez, na sa pamamagitan ng pulong ay makapaglalatag ang oil companies ng kanilang hakbang para makatulong na mabawasan ang pasanin ng publiko.

“We want to hear from them [oil companies] what can they do to help in this kind of situation, and if indeed they are willing to help at all because these oil price hikes have been a burden to our kababayans. I think it would be better if we help each other soften the impact of these oil price increases because we want these products to be affordable. People have been bearing the brunt of this situation for a long time now,” sani ng House Speaker.

Bukas din ang House Speaker sa mga panukala, na layong amyendahan na ang Oil Deregulation Law. | ulat Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us