Mga pamilyang naapektuhan ng pagtaas ng tubig baha kahapon, higit sa 600 -LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalipas ng magdamag sa mga evacuation center sa lungsod Quezon ang maraming pamilya dahil sa pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar dulot ng malakas na ulan.

Sa ulat ng Quezon City LGU, napilitang ilikas ang 605 pamilya o 1,528 indibidwal mula sa mga barangay ng Roxas, Damayang Lagi, Bagumbuhay, Quirino 2A, Mangga at Barangay Tatalon dahil sa pagbaha.

Pinakamaraming inilikas ay mula sa Barangay Tatalon na may 275 pamilya o 868 indibidwal sunod ang

Barangay Mangga na may 183 pamilya.

Bukod dito, abot din hanggang baywang ang tubig sa ilang bahagi ng barangay Kamuning.

May ulat ding natanggap ang Quezon City DRRMO na taong nalunod sa Barangay Bagong Lipunan.

Ngayong umaga, muling ipagpapatuloy ng QC Urban Search and Rescue team ang kanilang operasyon para hanapin ang sinasabing nalunod na indibidwal. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us