Mga petisyon sa taas-pasahe, sa susunod na Linggo pa madedesisyunan — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naiurong sa susunod na linggo ang paglalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pinal na desisyon hinggil sa mga hirit na taas pasahe ng mga transport group.

Sa isinagawang pagdinig ngayong araw, pinagsusumite pa ng supplemental petition ang grupong Pasang Masda, ALTODAP at (ACTO) sa kanilang orihinal na pisong provisional fare hike.

Hindi kasi naisama ng grupo sa petisyon ang modern jeepneys at tanging sa Metro Manila lang ang sakop ito.

Humiling naman ng 5-day period ang naturang transport groups para makumpleto ang kanilang mga dokumento.

Dahil dito, muling itinakda sa susunod na Martes, Oct. 3 ang panibagong iskedyul ng pagdinig ng LTFRB sa fare hike petitions.

Bukod rito, kasama rin sa dedesisyunan ang hiwalay na petisyon para sa ₱2 dagdag pasahe ng Stop n Go at ng grupong Fejodap para sa mga pampasaherong jeep nationwide.

Ayon naman kay LTFRB Chair Guadiz, hinihintay na lang din ng board ang posisyon ng commuters group at ng NEDA bago magpasya sa hirit na taas pasahe. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us