Mga Pilipino sa Morocco, ‘di pa nagpapahayag na nais bumalik ng Pilipinas kasunod ng 6.8 magnitude na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa maayos na kondisyon ang mga Pilipino sa Morocco, at patuloy lamang ang kanilang paghahanap buhay doon.

Pahayag ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, kasunod ng magnitude 6.8 na lindol na tumama doon, noong Biyernes (September 8) na kumitil na ng higit 2,000 buhay.

“Wala naman pong mga kababayan natin na naiulat na nasalanta o kaya’y nasaktan o kaya ay naging casualty ng lindol na ito. We are lucky na wala sa Filipino community, but libo-libo na mga kapwa nating Moroccans, mga brothers and sisters natin na Moroccan ang nasalanta at namatay. So, our heart goes sa mga biktima ng lindol na ito.” —Asec. Cortes

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na nasa 4,600 ang mga Pilipino sa Morocco.

Nasa 50 naman ang nasa Marrakech o ang lugar kung saan mismo tumama ang lindol.

Nasa maayos naman aniya ang mga Pilipino doon, wala aniyang napaulat na nawalan ng trabaho.

Ayon sa opisyal, sa kasalukuyan, wala pang nagpapahayag na nais na nilang bumalik sa Pilipinas.

“Wala naman pong naiulat sa kanila na nawalan na po ng trabaho. Wala ring naiulat na mga kababayan natin na gustong umuwi at magpa-repatriate. Stay put po iyong mga kababayan natin and they are still there working. Life goes on para sa karamihan po sa kanila.” —Asec Cortez.

Gayunpaman, sa oras aniya na mayroong Pilipino ang nais nang umuwi ng bansa, agad na gagawa ng hakbang ang pamahalaan para sa repatriation ng mga ito.

“Wala po sa mga kababayan natin ang humihingi ng repatriation. And kung mayroon man, nakahanda po ang ating gobyerno para tulungan silang makauwi.” —Asec Cortes. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us