Mga pinalikas na residente sa nangyaring sunog sa Valenzuela kahapon, pinauwi na sa kanilang bahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayagan nang makauwi kagabi ang mga residenteng pinalikas kahapon dahil sa nangyaring industrial fire sa Herco Trading sa G. Molina, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City.

Ipinag-utos ito ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, pagkatapos makakuha ng clearance mula sa Bureau of Fire Protection – Valenzuela na ligtas nang balikan ang kanilang mga bahay malapit sa pinangyarihan ng sunog.

Nasa 218 ang bilang ng pamilya o 819 indibidwal ang pinalikas sa mga evacuation center bilang pag-iingat sa sunog.

Dinala sila sa A. Mariano Elementary School, Paso de Blas 3S Center Multi-Purpose Hall, Pedro L. Santiago Elementary School at Canumay East 3S Covered Court.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, idineklarang “fire under control” ang nasabing sunog ganap na alas-5:37 ng hapon kahapon na tumagal ng mahigit 24 oras.

Walong bumbero ang nagtamo ng minor injury sa sunog at isang sibilyan na si Joushem Dealagdon bago ganap na naapula ang sunog. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us