Sinimulan na ngayong araw ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang isang linggong inspection sa mga public hospital sa Metro Manila.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, nais nito na tiyakin ang kanilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Ang Section 3 ng nasabing batas ay nag-uutos sa mga tanggapan ng gobyerno kabilang ang mga pampublikong ospital, na sumunod sa mga probisyon ng batas tungkol sa anti-red tape at kadalian sa paggawa ng negosyo.
Unang isinailalim sa on-site inspection ni ARTA Secretary Perez at ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Asahang isusunod pa sa inspection ang iba pang ospital sa buong linggo simula ngayong araw. | ulat ni Rey Ferrer