Mga pulis na naka-assign sa seguridad ni VP Sara, sapat lang sa pangangailangan — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy ng PNP para magsilbing seguridad ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa gitna ng Commission on Audit Report na 433 security escort ang naka-assign sa bise presidente noong 2022.

Paliwanag ng PNP Chief, hindi lang ang PNP ang bahagi ng seguridad ng bise presidente.

Matatandaang pinagana ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hunyo 24, 2022 ang hiwalay na unit na Vice Presidential Security Protection Group (VPSPG) na mas malaki bilang ng tauhan sa dating Vice Presidential Security Detail.

Sinabi ni Gen. Acorda na sa panig ng Police Security Protection Group, ang pagde-deploy ng tauhan bilang seguridad ng VIP ay depende sa kanilang threat assessment, at kaya nilang i-justify ang bilang na dineploy sa bise presidente.

Dagdag ng PNP Chief, bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, may ‘entitlement’ sa karagdagang proteksyon ang bise presidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us