Sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga pulis sa Kampo Crame bilang pakikiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon.
Sa hudyat ng sirena, marahang bumaba sa kani-kanilang mga opsina ang mga pulis sa loob ng Kampo at tumungo sila sa harap ng National Headquarters para sa accounting.
Bitbit ang mga panangga sa ulo, hindi inalintana ng mga pulis ang init ng araw upang ipakita ang kanilang kasanayan gayundin ang mga paraan kung ano ang kanilang gagawin sakaling tumama ang pinangangambahang “the Big One.”
Nagsagawa rin ng simulation ang mga pulis kung saan, ang scenario ay may isang nabagsakan ng debris na inilagay sa strecher at isinakay sa ambulansya.
Matapos nito, nagbalikan na rin sa kani-kanilang mga opisina ang mga pulis at nagpatuloy sa kanilang mga trabaho. | ulat ni Jaymark Dagala