Mga retailer sa QC na mahihirapang makasunod sa EO 39, tutulungan — Mayor Joy Belmonte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi parurusahan ng pamahalaang lungsod ang mga retailer na mahihirapang makasunod sa EO 39 o ang mandated price ceiling sa regular at well-milled rice.

Kasama ang alkalde sa nag-inspeksyon sa unang araw ng implementasyon ng price cap sa Mega Q-Mart kahapon.

Ayon kay Mayor Joy, batid nito ang sitwasyon ng mga rice retailer na nag-aalangan lang dahil mahal ang kuha sa bentang bigas.

Aniya, tututukan ng LGU na makapaglatag ng win-win solution para sa mga mamimili at mga nagbebenta ng bigas.

Tumutulong na rin ang pamahalaang lungsod sa paglilista ng mga apektadong retailer na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Dagdag pa ni Mayor Joy, kasama rin sa plano ng LGU ang mabigyan ang mga small rice retailer ng tulong na hiwalay pa sa commitment ng National Government.

Una na ring tiniyak ng Quezon City Price Coordinating Council (QCPCC) na babantayan nito ang ipinatutupad na mandated price ceiling sa bigas sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us