Napagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ang anim na mga rice retailer mula sa San Carlos City, Pangasinan.
Isinagawa ang distribution ngayong araw, ika-14 Setyembre 2023 sa city hall ng lungsod.
Ang mga napamahagian ay bahagi ng mga rice retailers na labis na naapektuhan ng price cap para sa regular at well milled na bigas sa ilalim ng Executive Order No. 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tumanggap ng tig-P15,000 ang mga rice retailers mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
Ayon kay Kristee Barrozo, isa sa mga rice retailer ng napamahagian ng financial assistance, malaking tulong na umano ang natanggap nila upang ipang-dagdag sa puhunan.
Batay pa sa kanya, hindi naman daw nalugi ang kanilang negosyo dahil sa inilabas na price cap subalit lumiit lamang ang kanilang kita.
Sa paghayag kay Bannie Bardiaga, isa rin sa mga rice retailer sa lungsod, kahit umano maliit ang natanggap na cash assistance ay makakatukong na ito upang makabawi.
Ayon sa DTI Pangasinan, ang mga unang napahamagian ng financial assistance ay ang mga pinaka-unang nag-comply sa inilabas na price cap sa mga pamilihan.
Ayon naman sa DSWD, kinakaylangang ibili rin ng mga bigas ang nakuhang financial assistance.
Dagdag dito, kinakaylangang mag-pasa ng mga napagkaloobang rice retailer ng resibo bilang patunay na ibinili ang nakuhang pinansiyal na tulong ng bigas. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan