Nakikidalamhati rin ang mga senador sa pagpanaw ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Marikina Mayor, at Representative Bayani Fernando.
Sa isang pahayag, kinilala ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Fernando bilang isang visionary.
Ayon kay Zubiri, pinatunayan nitong posible ang kanyang mga ideya at konsepto para maging mas maayos ang pamumuhay sa ating mga siyudad.
Tinawag niya ring human dynamo si Fernando na laging unang nagtutungo sa ground para sa rescue efforts o sa konstruksyon ng public works.
Itinuro rin aniya nito ang mahahalagang civic lessons na ang pagrespeto sa batas at ang basic good manners ay ang daan para maging mas maganda ang ating komunidad
Ipinagluluksa rin ni Senador Francis Tolentino ang pagpanaw ng isang magaling na pinuno. Ang inobasyon at pagkamalikhain ay nakatulong sa mga residente ng Metro Manila na harapin ang mahihirap na hamon sa lungsod. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion