Para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, may punto si Finance Secretary Benjamin Diokno sa pagpaparebyu ng free college educaiton program ng bansa.
Giit ni Pimentel, ang libreng edukasyon sa kolehiyo ay nararapat ibigay sa mga nais mag-aral ng kolehiyo, may kakayahan na mag-araal sa kolehiyo at kayang makakuha ng slot sa pamamagitan ng pagpasa ng isang competitive examination.
Hindi naman maunawaan ni Senate Committee on Higher Education Chairman Senador Chiz Escudero kung bakit tila tinitipid ang pamumuhunan sa human capital ng bansa samantalang todo ang paggastos sa mga flood control programs na hindi naman gumagana.
Sinabi ni Escudero na ang ganitong mga programa ang dapat na nirerebyu at nirerepaso.
Samantalang suhestiyon naman ni Senador Sonny Angara, ang rebyu dapat na gagawin ay dapat may layuning pagbayarin ang mga mayayamang pamilya.
Pinunto ni Angara na dapat magbayad ng tuition fee ang mga multi millionaire na pamilya para mas maraming resources ang mapunta sa pagsuporta ng mga mahihirap na pamilya at estudyante.| ulat ni Nimfa Asuncion