Mga SK official, ipinasasailalim sa ‘values training’ ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante ang kahalagahan na maglunsad ang National Youth Commission (NYC) ng values-centered training para sa mga bagong magiging opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon sa House Appropriations Committee Vice Chair, mahalagang malinang ang ‘moral compass” ng mga opisyal ng SK upang maisakatuparan ang “Bagong Pilipinas” na inisyatiba ng gobyerno.

Punto ng mambabatas, lantad sa mga temptasyon o tukso ang mga SK sa larangan ng kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Abante, maliban sa pagbibigay kaalaman sa kung paano nila gagawin ang mandato bilang SK officials, pinakamahalaga na maipaalala sa kanila kung paano magsisilbing ehemplong leaders sa kanilang kapwa mga kabataan.

“…this early the NYC should develop programs that will develop the moral compasses of SK leaders so that they become beacons of good who will light the way and serve as sterling examples for the youth in their communities––instead of young examples of the moral decay in our bureaucracy. This is one of the first steps that need to be taken to make the Bagong Pilipinas campaign successful.” diin ni Abante | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us