Mga tauhan ng MRRMO at MSWDO sa Region 2, sinamay para sa maayos na pangangasiwa sa mga donsayon at relief goods

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Offices at Municipal Risk Reduction and Management Offices Rehiyon 2 kaugnay sa logistics and warehouse management.

Sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division, naisagawa ang apat na araw na pagsasanay para sa 44 na kawani ng mga LGU.

Kabilang sa mga tinalakay sa aktibidad ang mga usapin kaugnay sa humanitarian supply chain, warehouse safety, quality and production management, donation management, at relief prepositioning and monitoring tool.

Ang pagsasanay ay bilang paghahanda na rin sa mga panahon ng kalamidad at masiguro ang maayos na pangangasiwa sa relief goods at sa mga natatanggap na donasyon.

Samantala, bilang lead agency sa Food and Non-Food Item Cluster ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, tinitiyak ng DSWD Field Office 2 ang kasapatan at agarang augmentation ng food and non-food items sa LGUs. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

📸 DSWD Region 2

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us