Bagaman magandang balita ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo, tila bitin pa rin dito ang mga tsuper ng pampublikong jeep.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa bahagi ng Marcos Highway, sinabi ng mga tsuper na aming nakapanayam na masyadong maliit ang 20 sentimos na rollback sa kada litro ng diesel.
Magugunitang 11 magkakasunod na linggo tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo at ngayong araw lamang ulit nagkaroon ng rollback.
Paliwanag ng mga tsuper ng jeepney, mas mararamdaman nila ang rollback kung nasa P5 anila ito lalo’t mataas din ang presyo ng mga bilihin.
Salamat na lamang anila at may nabibili nang P41 at P45 na kada kilo na murang bigas.
Bukod sa diesel, may 20 sentimos ding bawas presyo ang kada litro ng gasolina habang 50 sentimos naman sa kada litro ng kerosene. | ulat ni Jaymark Dagala