Miyembro ng CAFGU Active Auxiliary, natimbog ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng iligal na mga armas at mga bala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natimbog ng mga awtoridad ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) ng Philippine Army dahil sa pag-iingat ng iligal na mga armas at mga bala sa bayan ng Roseller T. Lim sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Police Col. Eduard Mallo, provincial director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (ZSBPPO), nahuli si Jover Ceniza, 50 anyos, sa isingawang sesrch operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at R.T. Lim police sa Barangay Ali Alsree ng nasabing bayan.

Aniya, isinilbi ng mga pulis ang search warrant laban kay Ceniza matapos ang isinagawang surveillance operation dahil sa posibileng paglabag nito sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nasamsam ng raiding team mula pamamahay ni Ceniza ang tatlong pistola, dalawang mahahabang armas, at iba’t ibang uri ng mga bala.

Si Ceniza at ang mga armas ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG para sa tamang disposisyon. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us