Lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Reclamation Authority.
Ito ay para pagtatayo ng Roxas Boulevard Promenade na magmumula sa EDSA hanggang sa Libertad Extension sa Pasay City.
Nasa P70 milyon ang planong ilaang pondo para sa pagtatayo ng 800-meter na parke na layong magbigay ng open at green spaces para sa publiko.
Tampok sa gagawing parke ang bike at jogging path, pet park, football pitch at iba pa na maaaring pasyalan ng mga pamilya.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng Roxas Boulevard Promenade bago mag-Pasko.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang naturang proyekto ay bahagi rin ng Adopt-a-Park project ng MMDA na layong i-develop ang mga parke at magkaroon ng mas maraming open spaces para sa publiko sa Metro Manila.| ulat ni Diane Lear