MMDA, naglatag na ng mga hakbang para maibsan ang daloy ng trapiko ngayong nagsimula na ang “Ber” Months

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglatag na ng mga hakbang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maibsan ang kalbaryong dulot sa trapiko ng pagsisimula ng “Ber” months.

Ito kasi ang panahon kung saan, inaasahang darami ang mga bumibiyaheng sasakyan sa Metro Manila partikular na sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, puspusan na ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga panahong ito.

Hindi pa kasama rito ang mga ginagawa na nilang mga hakbang upang mapaluwag ang trapiko ngayong sunod-sunod din ang mga kalamidad.

Kahapon, nagsagawa ng declogging ang MMDA sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa kabila ng masamang panahon dulot ng habagat. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us