Nagpahayag ng pakikidalamhati ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa biglaang pagpanaw ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando.
Sa isang mensahe, sinabi ng MMDA na maraming naiambag si Fernando sa pagresolba ng mga problema sa Metro Manila.
Inilarawan din ang dating MMDA chairman na ‘man of few words’,’workaholic’, at ‘disciplinarian’ si Fernando lalo na sa hanay ng MMDA.
Sa ilalim ng pamumuno ni Fernando, naipatupad ang ilang mga programa gaya ng rapid bus lanes at Metro Gwapo campaign.
Pumanaw si Fernando ngayong araw dahil sa aksidente. Ito matapos na mahulog sa bubong ng kanilang bahay. | via Diane Lear