MMDA, nakalatag na ang mga plano para sa isasagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanyayahan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko na makiisa sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill bukas, September 7.

Ito ay sa pangunguna ng Office of Civil Defense.

Sa hudyat ng ceremonial pressing ng button sa ganap na alas-2:00 ng hapon, iniimbitahan ang lahat na mag-duck, cover, and hold.

Ayon sa MMDA, kabilang sa kanilang paghahanda ang paglalatag ng MMDA Public Safety Division ng evacuation plan at pagtatalaga ng marshalls para umalalay sa mga kawani ng ahensya na lalahok sa nasabing drill.

Binigyang diin din ng MMDA ang kahalagahan ng naturang drill para maging handa anumang oras sakaling tumama sa bansa ang the “Big One” o ang magnitude 7.2 na lindol na ayon sa mga eksperto ay maaaring magmula sa West Valley Fault sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, at Cavite. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us