Nagpaabot ng kaniyang taos-pusong pasasalamat si Defense Sec. Gilbert Teodoro sa mga miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Ito’y makaraang magkaisa ang CA na aprubahan ang ad interim appointment kay Teodoro bilang Defense Chief sa ilalim ng Administrasyong Marcos Jr. kahapon.
Sa kaniyang pagsalang kahapon, binigyang diin ng Defense Chief na target niyang mabalanse ang pagpapanatili sa panloob na seguridad gayundin ang pagpapalakas naman sa panlabas na seguridad.
Binigyang diin pa ni Teodoro ang pangangailangan na isailalim sa modernisasyon ang Defense Department lalo’t malaki ang banta sa seguridad ng Pilipinas partikular sa usapin ng soberanya.
Kasunod nito, sinabi rin ng Kalihim na kaniyang pakatututukan ang isyu ng pension system para sa militar at mga nasa unipormadong hanay
Dahil matagal nang proseso ito ani Teodoro, kailangang balansehin din ang kapakanan gayundin ang moral ng mga Sundalo sa pamamagitan ng mga batas na ipapasa ng Kongreso.| ulat ni Jaymark Dagala