Nilagdaan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang joint declaration para sa pagpapayabong pa ng strategic partnership ng higit 75 taon nang samahan ng dalawang bansa.
Sa joint statement ng dalawang leader, binigyang diin ang kapwa commitment ng Pilipinas at Australia para sa pagsusulong ng rules-based international order at people to people exchanges.
Lumagda rin ng MOU para sa holiday visa arrangement, na magbibigay daan para sa mamamayan ng kapwa bansa na matuto at makilala pa ang kultura ng Pilipinas at Australia.
Nagkaroon rin ng MOU para sa soil technology, kung saan layong ma-develop ang soil health sa pamamagitan ng research, capacity building, at knowledge exchange.
“I am pleased to have signed today a MOU backed by 4.4 million dollars in Australian funding, focus on collaborative research to assist the Philippines to develop international soil health strategy.” — PM Albanese.
Magkakaroon rin ng 5-year program para sa pagpapababa ng kaso ng violent conflict, ma-reintegrate ang mga dating combatants, at ma-develop ang komunidad at livelihood programs, lalo na para sa mga kababaihan na nasa ‘vulnerable situations’.
Habang dinoble rin nila ang bilang ng scholarship awards na ibinibigay ng Australia, para sa mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan