Bukas ang Department of Human Settlements and Urban Development sa mga mungkahi upang higit pang mapahusay ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, partikular dito ang mga rekomendasyon mula sa mga stakeholder, partikular ang mga mambabatas para sa kapakinabangan ng mahihirap na Pilipino.
Layunin ng pabahay program na tugunan ang pangangailangan sa pabahay ng bansa na naka-peg sa mahigit 6.5 milyong unit na naipon sa mga nakaraang taon.
Aniya, hindi tulad ng mga nakaraang programa sa pabahay ng pamahalaan na lubos na nakadepende sa pambansang badyet.
Ang DHSUD naman ay kumukuha ng mga pribadong pondo at investible funds mula sa government financial institutions (GFIs) sa pagpapatupad ng pabahay program.
Sa ilalim ng programa, ang mga pribadong developer at contractor ay bibigyan ng access sa developmental loan para simulan ang mga proyekto sa pabahay.
Sa pagkumpleto at paglilipat sa mga benepisyaryo, ang gobyerno ay magbibigay ng suporta sa interes na hanggang limang porsiyento upang mapanatiling abot-kaya ang buwanang amortization sa mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer