Muntinlupa City LGU, magpapatupad ng 6-days liquor ban malapit sa examination schools sa 2023 Bar Exams

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng anim na araw na liquor ban ang lungsod ng Muntinlupa sa examination center sa darating na 2023 Bar Examination.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ipatutupad nila ang nasabing ban sa loob ng 500 meter radius ng San Beda College Alabang kung saan idaraos ang darating na Bar Exams.

Dagdag pa ng alkalde, ito’y upang magkaroon ng ligtas at maayos na pagdaraos ng nasabing Bar Exams ng mga bagong magiging lawyers ng bansa.

Ang Liquor Ban ay ipatutupad mula alas-9 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi kinabukasan sa mga araw ng September 16-17, 19-20, at 23-24.

Hinikayat naman ni Biazon ang mga residente na malapit sa nasabing paaralan na sundin ang naturang kautusan upang hindi malagay sa anumang parusa at multa at upang makatulong sa mga kukuha ng exam. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us