Muntinlupa City LGU, namahagi ng school kits, bags, sapatos sa mga mag-aaral sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng school kits, bags, at sapatos sa lahat ng mag-aaral sa lungsod.

Pinangunahan mismo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pamamahagi ng mga sapatos, bag, at school kit sa Cupang Elementary School at Cupang High School.

Ayon sa alkalde, layon ng kanilang pamamahagi ng mga kagamitan sa mga mag-aaral na makatulong sa mga magulang dahil sa naitatalang pagtaas ng bilihin sa merkado at magkaroon ng kaganahan sa pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang lungsod.

Sa huli muling paalala ni Mayor Biazon sa mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at gagawin naman ang makakaya ng lungsod upang makapagbigay pa ng mga programa sa kanilang pag-aaral. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us