Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng PH at US isasagawa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa ngayong araw sa Camp Aguinaldo ang taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, dito pag-uusapan ang mga mutually agreed policy patungkol sa mga isyu na may kinalaman sa depensa at seguridad ng dalawang bansa.

Bago ang pagpupulong ngayong araw, nagkaroon kahapon ng pagkakataon si AFP Chief General Romeo Brawner na inspeksyunin ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Cagayan at Pampanga kasama si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at US Indo-Pacific Commander Admiral John Aquilino.

Dito’y inilatag ng AFP ang kanilang mga proposed projects sa naturang mga EDCA sites.

Ang naturang mga proyekto  ay dinisenyo para sa mas epektibong pagsasagawa ng Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations, at pangsuporta sa sabayang pagsasanay ng dalawang bansa.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us