Naging pagkikita nina dating Pangulong Duterte at Congresswoman Arroyo, pinaliwanag ni Senador Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na kinukumbinsi ni dating pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Rodrigo
Duterte na maging aktibong muli sa pulitika.

Ito ang impormasyon ni Go sa likod ng kumalat na litrato ng pagkikita nina dating Pangulong Duterte, dating pangulo at ngayo’y Congresswoman Arroyo kasama siya at si dating Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Go, inanyayahan ni dating Pangulong Arroyo sa isang impormal na pagkikita si dating Pangulong Duterte na nasa Maynila nitong nakaraang linggo.

Nagkataon naman aniyang magkasama sila ni Duterte nang panahong iyon dahil sinamahan niya si Duterte sa medical check up nito.

Dinagdag rin ni Go na nagkataon namang nais rin ni dating Senador Sotto na makamusta ng personal si Duterte at sa tulong ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea ay nangyari rin ito noong araw na iyon.

Giit ng senador, isang simpleng kamustahan at masayang pagkikita lang ang nangyari kung saan nagbalik-tanaw sila sa mga panahong nagkasama sila sa gobyerno.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us