Napapanahong pagpapatibay sa 2024 budget, siniguro ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang on-time na pagpapatibay ng 2024 national budget.

Kasunod ito ng pagtatapos ng komprehensibong budget briefings ng komite para sa House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill.

Kinilala ni Co ang masinop na pagbusisi hindi lang ng mga miyembro ng komite ngunit maging ng mga kasamahang mambabatas sa panukalang pambansang pondo.

“We have taken significant strides towards finalizing the 2024 budget, which promises to be a landmark budget focused on national growth and the welfare of the Filipino people. I want to express my deep gratitude to my esteemed colleagues in the Appropriations Committee and the dedicated congressmen who have worked meticulously in reviewing and suggesting valuable inputs for the budget.” sabi ni Co.

Naging bukas at hayag aniya ang deliberasyon sa panukalang pondo upang matiyak na mapupunan nito ang mga prayoridad na programa ng pamahalaan.

Binigyang diin din ni Co ang kahalagahang maipasa ng on-time ang pambansang pondo para masigurong tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.

“I remain committed to my promise to expedite the passage of the 2024 GAA. It is our moral and civic duty to ensure that the budget is enacted efficiently, but also effectively, so as to better serve our fellow Filipinos,” dagdag ng mambabatas.

Una nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez na target tapusin ng Kamara ang pambansang budget ng limang linggo.

September 19 nakatakdang isalang sa plenaryo ang 2024 GAB. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us