Nasa 23,000 PUV drivers at operator, nakatanggap na ng fuel subsidy — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 23,000 na public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang nakatanggap na ng fuel subsidy. 

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief Joel Bolano, sinimulan ng Landbank nitong Miyerkules ang pagproseso ng subsidy batay sa listahan ng mga benepisyaryo na isinumite. 

Ani Bolano, ang mga jeepney at taxi driver ay kabilang sa mga unang nakatanggap ng cash aid. 

Nabatid na may kabuuang 1.3 milyong drivers at operators sa buong bansa ang makikinabang sa fuel subsidy, matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) noong nakaraang linggo ang pagpapalabas ng P3 bilyon para sa programa. 

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Bolano ang mga PUV operator na ang tulong pinansyal ay dapat lamang gamitin sa pagbili ng gasolina. 

Maaari aniyang magsumbong o pumunta sa tanggapan ng LTFRB, kung sakaling makaranas ang mga tsuper na hindi ginamit ng mga operator ang subsidy para sa gasolina.  | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us